Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Magalang isa sa ginawarang Top Performing LGUs ng DILG

Magalang isa sa ginawarang  Top Performing  LGUs ng DILG
Ginawaran ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Lokal na Pamahalaan ng Magalang sa pangunguna ni Mayor Romulo “Romy” Pecson , bilang isa sa mga Top Permorming LGU sa buong Probinsiya ng Pampanga, 16 Disyember 2021.
Nagawaran din ng Sertipiko ng Pagkilala si LGOO VI Jacqueline R. Tallada (DILG Magalang) bilang isa sa mga Best Field Officer sa buong Lalawigan ng Pampanga.
Matatandaan na kamakailan ay ginawaran din ang Lokal na Pamahalaan ng Sertipiko ng Pagkilala sa idinaos na ADAC Regional Audit Summit na personal na tinanggap ni Mayor Pecson.
Taos pusong nagpasalamat naman si Mayor Pecson sa mga Magaleños sa tuloy-tuloy na pakikipagtulungan at pakikiisa sa Lokal na Pamahalaan para sa mga kapaki-pakinabang na mga proyekto at programa ng naturang departamento. (Municipality of Magalang) 

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *