Pinulong kamakailan ni Mayor Romulo “Romy” Pecson kasama si MLGOO Jacqueline Tallada (DILG Magalang) ang 27 Punong Barangay upang paalalahanan sila sa kanilang tungkuling pangalagaan ang kalikasan at mapanatiling malinis ang Magalang.



Hangad ng pagpupulong ang mas lalong mapaigting ang pagpapatupad ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 . Ito din ay naglalayong maresolba ang mga isyu at iba pang mga suliranin tungkol sa basura na pangunahing responsibilidad ng mga Barangay.
Dagdag pa dito ay ang tamang pamamahala ng Materials Recovery Facility (MRF) kada barangay. Dahil ang bawat barangay ay may nakalaan na pondo para magpagawa ng kanilang Materials Recovery Facility (MRF) upang mabawasan ang suliranin sa basura ng ating bayan.
Nagpasalamat naman si Mayor Pecson sa mga Punong Barangay at hinihikayat din nya ang bawat Magaleño na mas maging masinop at magsagawa ng segregasyon ng mga basura sa kanilang tahanan bago pa man ito makolekta ng ating Garbage Collection Unit.