Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Mahigit ₱2M tulong medikal, ipinamahagi sa mga Apaliteño

Mahigit ₱2 milyon ang naipamahagi ng pamahalaang bayan bilang tulong medikal sa mga Apaliteñong nangangailangan, bilang bahagi ng patuloy na malasakit ng lokal na pamahalaan sa kalusugan ng mamamayan.

Personal na inabot nina Mayor Jun Tetangco at Vice Mayor Peter Nucom ang tulong-pinansyal sa mga benepisyaryo, na inaasahang makatutulong upang mabawasan ang kanilang gastusin sa pagpapagamot at pagbabayad ng mga medikal na bayarin.

Ayon sa mga opisyal, patuloy ang programa ng munisipyo sa pagbibigay ng suportang pinansyal para sa mga nangangailangan ng agarang tulong medikal, lalo na sa mga pamilyang may mabibigat na pinagdaraanan.

Tiniyak din ng pamahalaang bayan na mananatili itong nakaantabay at handang umagapay sa bawat Apaliteño, lalo na sa oras ng pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *