Tinuran ni Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda na apat sa anim na train stations ng North-South Commuter Railway’s Phase 2 (Malolos-Clark) ay nasa Pampanga. Ang mga stations ay nasa Apalit, San Fernando, Angeles at Clark.
Ayon kay Governor Delta, “Ang Phase 1 (Tutuban-Malolos) at Phase 2 ay naka-schedule mag-operate sa 2024.”
Dagdag pa ng gubernador: “Makakatulong ang railway sa pagbangon ng Pampanga mula sa COVID-19 pandemic. Bibilis ang biyahe ng mga tao at kargada. Darami ang negosyo at trabaho. Bubuti ang ekonomiya kung gagamitin natin nang maayos ang mga oportunidad at maayos din ang paggo-gobyerno.”