Malolos-Clark railway puspusan na
Puspusan at walang-patid ang pag-arangkada ng construction para sa PNR Clark Phase 2 (Malolos-Clark), na bahagi ng massive North-South Commuter Railway (NSCR) Project.

May habang 53-km ang rail segment na ito ay mayroong anim (6) na istasyon. Ito ay ang Calumpit, Apalit, San Fernando o Angeles, Clark, at Clark International Airport (CRK).

Magiging operational ang biyahe sa pagitan ng Malolos, Bulacan,Clark, at Pampanga ay magiging 30-35 minuto na lamang mula sa orihinal na dalawang (2) oras.

Aabot naman sa 55 minuto na lang ang biyahe mula Clark International Airport patungong Makati, mula sa kasalukuyang dalawa o tatlong oras.
Tampok din sa rail segment na ito ang kauna-unahang Airport Express ng Pilipinas. (DOTr)