Taos pusong nagpapasalamat si Magalang Mayor Romulo Pecson kay Governor Dennis ‘Delta’ Pineda at sa Provincial Government sa tulong medikal para sa mga Magaleño na natamaan ng COVID-19.
Pinangunahan ni Mayor Pecson kasama si 1st District Board Member Cherry Manalo kahapon, Enero 20, 2022 ang pamamahagi ng mga gamot para sa mga Cabalen na magpopositibo at nagpositibo sa sakit na COVID-19. Ito ay tinanggap ng mga kapitan mula sa 27 barangay ng Magalang.

Ang mga bata na may sintomas ay bibigyan ng medicine packs kung nagpositibo sila sa COVID-19 gamit ang Antigen o RT-PCR test.
Ang mga packs para sa bata edad 2-12 years old ay naglalaman ng gamot at vitamins pati guide kung gaano karami, kadalas at kailan iinumin ang mga ito.
Ang mga bata below 2 years old ay ipacheck po muna sa ating district hospitals para makuha ang timbang at malaman ang dami ng gamot at vitamins na ibibigay sa kanila.
Ang mga COVID-19 positive na edad 13 at pataas ay makakahingi rin ng packs. (Municipality of Magalang)