Binigyang parangal ni Mayor Romulo “Romy” Pecson ang mga Barangay Frontliners sa dalawampu’t pitong (27) barangay ng Magalang kahapon, Pebrero 3, 2022.



Ito ay sa kanilang hindi matatawarang sakripisyo at pagsusumikap na maipatupad ang lahat ng mga programa ng Magalang-LGU sa ilalim ng administrasyong Pecson upang ma-proteksyonan ang mamamayan at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Upang mas lalo pang pagbutihin ng mga barangay frontliners ang kanilang serbisyo ay namahagi si Mayor Pecson ng cash incentives at sertipiko ng pagkilala sa kanila.
Kasabay ng naturang programa ay nagbigay-paalala sina Election Officer Leonele Yalung at PLTCOL Benjamin G. Gabriel Jr. (Magalang PNP) sa mga Barangay Officials tungkol sa kanilang mahalagang papel sa pagtitiyak na bawat barangay ay ligtas sa darating na May 2022 National and Local Elections.
Kasama ni Mayor Pecson kanina sa naturang programa sina Municipal Administrator Lyndon Cunanan, Municipal Planning and Development Officer Joey Ocampo, Election Officer Leonelle M. Yalung, at PLTCOL Benjamin G. Gabriel Jr. (Magalang-PNP).