Nakatanggap na ng kanilang free live birth certificate in security paper mula sa Philippine Statistic Authority (PSA) ang mga walong (8) katutubo mula sa bayan ng Botolan sa Zambales.
Sila ang kauna-unahan nagbenepisyo sa programa sa Gitnang Luzon sa ilalim ng PhilSys Birth Registration Assistance Project (PBRAP).
Ayon kay PSA Zambales Chief Statistical Specialist Norman L. Bundalian, ang PBRAP ay isang nasyunal na proyekto ng kanilang ahensya na naghahandog ng libreng late birth certificate registration.
Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng birth certificate sapagkat ito ang magsisilbing legal na pagkakakilanlan ng isang tao o indibidwal.
Paglilinaw ni Bundalian, lahat ay maaring makinabang sa proyekto ngunit prayoridad na mabigyan nito ang mga kabilang sa marginalized communities gaya ng indigeneous peoples, Muslim Filipinos, at poorest of the poor.
Aabot sa 16,049 indibidwal ang target na maparehistro ng PSA sa lalawigan. (PIA 3)