Muling matatamasa ng mga senior citizens ng Tarlac City ang libreng panonood ng sine sa SM City Tarlac Cinema matapos ganapin noong May 10, 2023 ang signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles at ng SM City Tarlac upang opisyal na pasinayaan ang muling pagbabalik ng nasabing programa.
“Ang hapong ito ay napaka-memorable po for all of us, kasi Memorandum of Agreement signing natin with SM Cinema para sa libreng sine para kay lolo at lola. Ako po ay nagagalak na nandito tayong lahat para i-commemorate ang napaka-special event na ito, kung saan bukas-palad, bukas-pintuan, bukas-puso po nilang binuksan ang kanilang mga cinema para sa ating mga senior citizens,” wika ni Angeles.
Kasali sa memorable event na ito sina Board of Tarlac City Senior Citizens Association Chairperson Vic Angeles, Senior Citizens Federation President John Soliman, Sangguniang Panlungsod members, ilang mga Barangay Captains, SM City Tarlac officials at humigit kumulang 300 senior citizens ng syudad na nakapag-enjoy sa libreng panonood ng sine at popcorn.
Sa kagustuhan ng Pamahalaang Lungsod na mabigyang dagdag pribilehiyo ang mga senior citizens ng syudad, matatandaang inilunsad ni Angeles ang Angel Libreng Sine para kay Lolo at Lola noong taong 2019 bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon ng mga nakatatanda sa kaunlaran ng lipunan.
“Kaswelo tamu po uling ala na pong pandemic. King lugud na po ning Apung Ginu ampo ding miki-bandi king SM, we are being blessed, mika-libre tamung sine para karing kekatamung senior citizen. Kailangan tandanan yu, king edad tamung ini, we have to invest in our health. Kailangan ali tana mimisip stress. Isipan tana mu nung makananu tamu kumaba biye, masalese alang stress, kaya kailangan manalbe tamu ring sine,” susog ni Vic Angeles.
Ang libreng sine para kay Lolo at Lola ay parte ng 22-in-1 Angel Care Program ng Pamahalaang Lungsod.
Maaaring makapag-avail ng libreng sine tuwing Lunes hanggang Miyerkules ang mga senior citizen. Dalhin lamang ang Senior Citizen ID at ang “Angel Libreng Sine” booklet mula sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA). (Tarlac City Information Office)