Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

OCD pinuri ang Pampanga Provincial Government sa kahandaan sa kalamidad

Masayang ibinalita ni Governor Dennis “Delta” Pineda ang pagbisita at pagpuri ni Undersecretary Raymundo Ferrer, administrator ng Office of Civil Defense (OCD) at executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mataas na antas ng kahandaan ng Pampanga Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nitong Biyernes, Setyembre 30, 2022.

Kasamang bumisita ni Ferrer si OCD Regional Director Cesar Idio.

“Kami po ay nagagalak na sabihin na maganda ang disaster preparedness ng Pampanga. Unang-una ‘yung capability, kumpleto sila ng mga equipment, mayroon pa silang mobile kitchen, water purifiers… ‘yon ang mga basic na kailangan sa post-disaster,” ani Ferrer.

Humanga rin siya sa pagtulong ng mga Kapampangan sa mga nasalanta ng kalamidad sa ibang lalawigan.

Nagbahagi rin ang governor at PDRRMO Executive Officer Angie Blanco ng mga aralin at mga rekomendasyon na makakatulong sa pagpapahusay ng pagtugon ng mga lokal na pamahalaan sa paghahanda, pag-iwas, pagharap at pagbangon sa mga kalamidad.

Tiniyak din ni Pineda kay Ferrer at Idio na ang kaligtasan ng mga taga-Pampanga ang isa sa kanyang mga prayoridad. (Pampanga PIO)

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *