Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

OPINION | Manyamang Pagkain at Mayamang Kultura dapat lang na pagyamanin

Lampas dalawang linggo na lamang Disyembre na!

Kaya naman kapag ganitong buwan, ang ating lalawigan ay dinarayo hindi lamang ng mga balikbayan kasama ang kanilang mga dayuhang esposo at esposa, kundi ganon na rin ng ating mga kababayan mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Tiyak, ang turismo ng Pampanga ay sisigla na naman. Maganda ito para sa lokal na ekonomiya na nagsisimula pa lamang tumayo matapos ang pananalasa ng COVID-19 pandemic.

Ang Pampanga ay kilala hindi lamang sa naggagandahang mga parol at mga palamuti tuwing kapaskuhan. Mas lalong kilala ang ating lalawigan bilang ‘culinary capital’ ng Pilipinas.

Pagdating sa mga lutuin – lutuing bahay – MANYAMAN ang pagkaing Kapampangan, walang duda.

Maliban sa dinarayong ‘sisig’, marami pang pagkaing Kapampangan ang naghihintay na madiskubre.

Kaya ang inyong lingkod, sa gabay ni Governor Dennis ”Delta” Pineda, ay maglulunsad ng “MANYAMAN Festival” na tampok ang mga ‘local food delicacies.’

Isang linggong pagdiriwang. Isang linggong fiesta ng bayan.

Layon ng “MANYAMAN Festival” na manumbalik na muli ang sigla ng turismo sa lalawigan. Kapag turismo ang pag-uusapan, hindi mawawala ang pagkain at dito hindi matatawaran ang angking katalinuhan ng mga Kapampangan.

Nais naming hikayatin ang mga LGU na i-promote ang mga sikat na pagkain sa kanilang lugar. Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, mapo-promote pa ang mga negosyo na nangangailangan ng tulong.

Sa “MANYAMAN Festival”, hindi lamang makikita kundi matitikman din ng ating mga kalalawigan at mga bisita ang mga tinatawag na ‘iconic dishes’ mula sa 19 na munisipalidad at tatlong lungsod ng Pampanga.

Upang lalong mahikayat ay ating mga kalalawigan na lumahok sa festival, ang Kapitolyo ay magbibigay ng parangal sa mga LGUs at mga entrepreneur na sasali sa kompetisyon.

May naghihintay na pagkilala sa mahihirang na pinakamahuhusay na lutuing-bahay mula sa 22 local government units ng lalawigan.

Ang mapipili ng mga hurado ay makatatanggap ng parangal sa kategoriya ng Best Heirloom/Iconic Dishes, Best Arobu at Best Kapampangan dishes.

Tulad ng ibang lugar sa bansa, ang Pampanga ay nakakabangon na sa pinagdaanang pandemia.

Panahon na para umahon din ang ating mga Kabalen.

Ang mayamang kultura at ‘manyamang pagkain’ ang naging daan kung bakit naging ‘Culinary Capital’ ng Pilipinas ang Pampanga.

Ating itong pinanghahawakan at dapat lamang lalo pang pagyamanin!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *