
Lubos ang pasasalamat nina Tayum Mayor Glen Eduarte Jr., na siya ring presidente ng League of the Municipalities of the Philippines (LMP) Abra Chapter at La Paz Mayor Joseph Bernos, at mga residente ng Tayum, Abra sa tulong na ipinamahagi ng Pampanga, ng Huwebes, Augusto 4.

Mula sa Pampanga, dinala nina Governor Dennis “Delta” Pineda, PML President at Apalit Mayor Jun Tetangco, at PDRRM Chief Angelina Blanco ang mga nasabing donasyon sa mga apektadong residente ng Abra dulot ng magnitude 7.0 na lindol.






Nakatanggap ang 2,500 na benepisyaryo ng relief goods, water container na maaaring maglaman ng limang galon ng tubig, at bigas sa tulong ng mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), General Services Office (GSO), at ilang mga volunteers mula sa PDY Ventures, Inc. ( Photos:Gerald Gloton/ Pampanga PIO)