Umabot sa 106 bilyong pisong halaga ng bagong pamumuhunan na pumasok sa Bulacan mula Enero hanggang Oktubre 2021, ngayong unti-unti nang muling nagbubukas ang ekonomiya.
Pinakamalaki at pinakabago rito ang pagtatayo ng isang township sa 85 ektaryang lupa na nasa gilid ng North Luzon Expressway sa bahagi ng Marilao at Bocaue.
May halagang 98 bilyong piso ang ilalagak na puhunan ng Northwin Global City ng Megaworld Corporation na gagawin sa loob ng 15 hanggang 20 taon.
Ito ang magiging bagong lokasyon ng mga high-rise condominiums, hotels, malls, mixed-use commercial buildings, educational institutions at mga state-of-the-arts na office towers.
Ayon kay Department of Trade and Industry Provincial Director Edna Dizon, kabilang ito sa mga resulta ng pagkakapasa ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act.
Ito ang Republic Act 11534 na nilagdaan ni Pangulong Duterte na nagpapababa sa corporate income tax mula 30 hanggang 20 porsyento sa susunod na sampung taon.
Bukod dito, nauna nang naaprubahan ng Bureau of Investments ang walong bilyong piso pang pamumuhunan na nailagak sa simula ng 2021.
Malaking bulto nito ang industriya ng electricity, gas, steam at airconditioning supply na may pamumuhunan mula sa Universal Power Solutions Inc. sa Norzagaray na nagkakahalaga ng 3.37 bilyong pis.
Nasa 11 na mga real estate projects na umaabot sa 2.8 bilyong piso ang nakalinyang ipapagawa sa Bulacan.
Kabilang diyan ang isang proyekto ng Gennext Land Development Inc na 242.1 milyong piso, dalawa sa PHirst Park Homes Inc. na 974.3 milyong piso at tatlo sa Communities Bulacan Inc. sa Baliwag.
Mayroon namang tatlong proyekto ang Cumberland Development Corporation sa San Rafael na nasa 544.3 milyong piso at dalawa sa Raemulan Lands Inc. sa Santa Maria na ansa 796.5 milyong piso.
Iba pa rito ang isang bilyong piso mula sa Czark Mark Corporation na nasa sektor ng konstruksiyon sa lungsod ng San Jose Del Monte.
Ang industriya ng manufacturing ay may bagong pamumuhunan na nasa 401.1 milyong piso.
Sa loob ng nasabing halaga, 356.3 milyong piso ang inilagak ng Trinx Bicycle Sport Technology Corp sa Santa Maria, 35 milyong piso mula sa Oikos Sustainable Solutions Inc. sa Baliwag at 9.76 milyong piso mula sa Liciada Innovations Inc. na nasa Bustos.
Mayroon ding namuhunan sa sektor ng pagsasaka, pangingisda at paghahalaman kung saan naglagak ng Rosecomb Inc. ng 364.8 milyong piso sa Pulilan.
Kaugnay nito, may inisyal na 2,293 na mga bagong trabaho ang malilikha. Inaasahang pa