Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Pamamahagi ng libreng gamot sa Pampanga, nagsimula na

Pamamahagi ng libreng gamot sa Pampanga, nagsimula na
Nagsimula nang mamahagi ng karagdagang supply ng gamot ang Provincial Government ng Pampanga sa ikalawang distrito ng Pampanga bilang parte ng “Gamot para sa Barangay Program” ni Governor Dennis Delta Pineda.
Katulong sina Second District Board Member Fritzie David Dizon at Guagua Vice Mayor Sajid Eusoof, isa-isang ibinaba ang mga gamot sa bayan ng Lubao, Sasmuan, Porac, Floridablanca, at Sta. Rita.
Sa tulong ng mga alkalde at ABC Presidents ng bawat bayan, siniguro na makatatanggap ng gamot ang mga Kabalen na magpopositibo o makakaranas ng sintomas ng COVID-19.
Ang bawat COVID-19 kit ay may lamang gamot at vitamins para sa mga bata at matatanda na tatamaan ng virus. May kasamang rin itong kaukulang instruction kung pano iinumin ang mga gamot.
Sa mga gustong mag-avail ng mga gamot, maari makipag-ugnayan sa inyong mga barangay.
📸: Luisse Rutao / Pampanga PIO

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *