Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Pampanga Provincial Government namigay ng tulong sa mga mangingisda

Pampanga Provincial Government namigay ng tulong sa mga mangingisda

Namahagi ang pamahalaang panlalawigan, sa tulong at suporta ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ng walong daang libong pisong (P800-K) halaga ng gamit sa pangingisda sa 205 lokal na mangingisda mula sa bayan ng Lubao at Sasmuan.

Ito ay naisakatuparan matapos dinggin ng BFAR ang hiling ni Governor Dennis “Delta” Pineda na mabigyan ng suporta ang mga residente sa coastal areas, na ang pangunahing hanapbuhay ay pangingisda.

Sa pangunguna nina Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal-Arroyo, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, BFAR Director Eduardo Gongona, BFAR Central Luzon Director Wilfredo Cruz, at Lubao Mayor Esmeralda “Esmie” Pineda, nakatanggap ang mga naturang benepisyaryo ng 200 gillnets, 5 motorized fiberglass boats, at 2 motorcycle side car fish transport (bakulingling) sa ginanap na distribution activity sa Bamboo Hub, Lubao nitong Biyernes, ika-17 ng Hunyo.

Bukod pa rito ang cash at food assistance na ipinamahagi ng kapitolyo.

“Nagpapasalamat kaming mga taga-Pampanga kay Dir. Gongona para rito. Actually, may kasunod pa ito na apat na pung (40) fishing boat, 62-footer fishing boat na pwede sa malayuan, at karagdagan pang bakulingling,” ani Vice Governor Pineda.

Ilan sa mga benepisyaryo, gaya ng 66 taong gulang na si Marcelino Espares, ang nagpaabot ng pasasalamat, lalo na sa administrasyong Pineda para sa natanggap nitong tulong.

“Napakalaking tulong po nitong ipinagkaloob nila sa amin, lalo na’t ito ang pangunahing pinagkukuhanan namin sa araw-araw. Talagang napakababait nila, matagal na natin silang kasama, kaya hindi na natin sila dapat bitawan pa,” ani Espares.

Sa tulong ng BFAR, plano ng pamahalaang panlalawigan na magtayo ng fish processing at landing centers na layong pataasin ang kita ng mga mangingisda sa bayan. (Pampanga PIO)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *