Ipinatawag sa Kapitolyo ni Pampanga Vice Governor Lilia ‘Nanay’ Pineda ang mga magulang at mga pasyenteng may Leukemia kamakailan.
Nasa 115 na Leukemia patients ang dumating kasama ng kanilang mga magulang ang naabutan ng pinansyal na tulong mula sa Kapitolyo para sa kanilang pagpapagamot.
Bawat isa ay nakatanggap ng P3,000 at food packs sa tulong din ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
“Pepayawus na kayu pung Gob ngeni bang abalu mi nanu la pu kundisyun deng anak yu. Kung kailangan da pang aliwang doctor at espesyalistang lumawe karela. Ditak ya mu pu ing saup a bibiye ming Gob. Ali mi man pu abiye 100 percent da reng kailangan yu, ing importanti pu atin yang support ing gobyernu at atin kami din abibiyeng personal a saup kekayu.” wika ni Vice Governor Nanay.
Kasama ng Vice Gobernor Pineda si Board Member 2nd District Fritzie David Dizon at ilang opisyales sa pamamahagi ng tulong.
Bukod pa rito, kinumusta rin ni Vice Governor ang iba pang pangangailangan ng mga pasyente at ibinida niya ang binuong “Alagang Nanay Preventive Healthcare Program” nila Governor Dennis ‘Delta’ Pineda na layuning bumaba ang bilang ng mga taong nagkakaroon ng cancer tulad ng Leukemia at iba pang malalang sakit dito sa Pampanga. (Pampanga PIO)