Pampanga Provincial Hospital Annex sa Apalit sinimulan na
Sisimulan ng itayo ang Pampanga Provincial Hospital sa Barangay Sampaloc sa Apalit.
Ang groundbreaking at capsule-laying ay ginanap ngayong Lunes, March 28 kasama ang dating DPWH Secretary Mark Villar, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda at Apalit Mayor Jun Tetango.
Nagpasalamat si Governor Dennis “Delta” Pineda kay Secretary Mark Villar dahil sa term niya na-approved ang P70M budget ng first phase.
Ang kabuuang budget ng ospital ay P300M.
Kasama din sa pinasalamatan ng Governor Delta ang mga nagdonate ng isang ektaryang ng lupa na pagtatayuan ng ospital ang Nature Realty, Ascom Multi-Purpose Coop, Kagawad Elmer at Mrs. Sunga, Mayor Jun and Mrs. Tetangco at ang Barangay Sampaloc.
Ang hospital ay katabi ng ipinatayong DHVSU extension campus at provincial dialysis center sa Apalit. (Pampanga PIO)