Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Pampanga Provincial Nutrition Committee naghatid ng tulong sa Macabebe

Pampanga Provincial Nutrition Committee naghatid ng tulong sa Macabebe
Sinuyod ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga, ang isang coastal barangay sa bayan ng Macabebe para maghatid ng tulong sa tatlumpung (30) breastfeeding mothers sa pamamagitan ng Provincial Nutrition Committee.
Bawat isa sa mga benepisyaryo ay nakatanggap ng tatlong (3) kahon ng low-fat high-folate maternal milk.
Bukod dito, sumailalim din sa libreng nutrition education ang mga ito, kung saan ipinaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng exclusive breastfeeding sa unang isang libong (1,000) araw ng kanilang mga anak.
Ang naturang Community-based Maternal Milk and Micronutrient Supplementation ay isinagawa bilang pagpapatuloy sa programang First 1,000 Days ng probinsiya para sa nutritionally at risk pregnant women at lactating mothers.
Noong nakaraang taon, nagsagawa rin ng kaparehong aktibidad ang PNC bilang pakikiisa sa National Breastfeeding Awareness Month, kung saan dalawang daang (200) buntis at nagpapasusong ina mula bayan ng Floridablanca, Lubao, San Simon, Masantol, at Macabebe ang nakatanggap din ng limang buwang suplay ng gatas at vitamins.
Isa lamang ito sa mga programa nina Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, at ng Sangguniang Panlalawigan na patuloy pa ring isinasakatuparan, sa tulong ng PNC, para matugunan ang pangangailangang nutrisyunal ng mga ina at bata sa probinsiya.
(Pampanga PIO)
(Photo: P.C. Pampanga PNC)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *