Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

PhilHealth “Konsulta” ilulunsad sa Munisipyo ng Magalang

PhilHealth “Konsulta” ilulunsad sa Munisipyo ng Magalang

Pinangunahan ni Mayor Maria Lourdes “Malu” Paras Lacson ang pagpupulong katuwang ang mga kawani ng PhilHealth Pampanga upang pormal ng umpisahan ang Philhealth Konsulta sa bayan ng Magalang.

Ang “Konsulta” ay programa ng Philhealth sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Magalang na magbibigay ng Universal Health Care at pangunahin dito ang libreng konsulta sa doktor para sa mga Magaleño.

Ayon sa butihing alkalde, dadalhin rin ang “Konsulta” sa mga Barangay upang hindi na lumayo para lang makapagpacheck up ang mga Magaleñong mangangailangan nito.

Ayon sa Philhealth ay sakop nito ang initial at follow-up check up, primary care consultations, health screening at assessment, piling laboratory o diagnostice services at piling mga gamot batay sa reseta ng doktor.

Kasama sa naturang pagpupulong si Councilor Norman Lacson na Committee Chair on Health, Municipal Social Welfare and Development Officer Shirley Pallasigui, Municipal Treasurer Raissa Bayani, Executive Assistant Pong Lacson, at Rural Health Physicians Dr. Inold Cruz at Dr. Suzette Yalung. (LGU Magalang)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *