Inanunsyo ni Governor Dennis “Delta” Pineda na pwede ng magpa-konsulta sa Universal Health Care ng provincial government sa ilalim ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) KONsultasyong SULit at TAma (KONSULTA).
Kung dati ay hospital bills lamang ang saklaw ng PhilHealth, ngayon ay libre at sakop na rin ang mga check-ups, konsultasyon sa mga doktor at pati health screening.
Pwede ng magpatingin sa siyam na district hospitals at Diosdado P. Macapagal Memorial Provincial Hospital na ngayon ay accredited na ng PhilHealth KONSULTA Program.
Makakakuha rin ng mga piling libreng gamot at diagnostic tests na ituturing ng doktor matapos ang konsultasyon.
Layunin ng gobyerno na 100 percent ng mga taga-Pampanga ang magpa-konsulta sa mga doctor. Para agad malalaman kung may sakit at maaga ang gamutan.
Prayoridad ni Governor Dennis “Delta” Pineda ,Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda at ng buong Sanguniang Panlalawigan (SP) ang kalusugan ng mga Kapampangan. (GOV DELTA/FB)