Ginanap kahapon, ika-25 ng Enero ang pagpapasinaya sa Potable Water Supply Kubo 1, Brgy. San Isidro Resettlement, Magalang.
Pinangunahan ni Mayor Romulo “Romy” Pecson kasama si Vice Mayoral aspirant at Incumbment Three-Termer Councilor Koko Pangan Gonzales at ng mga Board of Directors ng Calson’s Development Corporation na pinangungunahan ni Ms. Rosario C. Sy (President, Calson’s Development Corporation) ang pagpapasinaya ng naturang Potable Water Supply.
Ang nabanggit na proyekto ay maghahatid ng ligtas at malinis na inuming tubig sa Kubo 1, Brgy. San Isidro Resettlement, Magalang na galing sa Sta. Lucia Water Inc.. Kamakailan lang ay nakapagbigay din si Mayor Pecson ng mga poso sa nasabing barangay na napakinabangnan ng tatlong pamilya.
Buong pusong nagpasalamat ang mga residente ng Kubo 1 na benepisyaryo ng Portable Water Supply kay Mayor Pecson. Sa mensahe ni Mayor Pecson, matagal nang panahon na naghintay ang munsipyo at ngayon ay isa na ito sa katuparan ng mga pangarap ng mamamayan ng San Isidro Resettlement.
“Napakadami nang nagdaang administrasyon sa Magalang ngunit si Mayor Pecson lamang ngayon ang nakagawa sa ating hangarin na magkaroon ng malinis na tubig. Dati rati marami ang nagkakasakit at namamatay dahil sa walang kasiguraduhan ang pinagkukunan natin ng supply.” – Residente sa Kubo 1
Dumalo din sa nasabing programa sina Councilor Tisoy Zemel, Councilor Eller Pecson, Board Member aspirant and Incumbent Councilor Joel Cruz, JD Cruz, Arvy Bondoc Dela Cruz, Vanessa San Miguel Calma, Engr. Roger Santos, Dong Pangan, Allan Poe Pineda, Officer in Charge ng Sta Lucia Water Incorporated na sina Mr. Eugene Cruz (Sta Lucia Branch) at si Mrs. Rosalina S. Cortez (San Isidro Branch).