PPOC at PADAC nagpulong
Nagpulong ang Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) para sa ikalawang kwarter ng taon sa Kingsborough International Convention Center ngayong Miyerkules, ika-22 ng Hunyo.
Ito ay pinangunahan ni Governor Dennis “Delta” Pineda, PPOC-PADAC chairperson, kasama ang mga opisyal mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang opisyal sa probinsiya.
Dito, tinalakay ang mga naging resulta ng kamakaila’y isinagawang POC at ADAC Audit; maging ang crime situation sa Pampanga; illegal drugs situation at drug-clearing updates; internal peace and security, at iba pa.
Kinilala rin dito, sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), ang mga dating rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan.
Bagama’t mataas ang naging pangkalahatang functionality rate ng probinsiya sa isinagawang assessment, may mangilan-ngilang munisipalidad ang napansing bahagyang napag-iiwanan.
Dahil dito, iminungkahi ng DILG sa konseho ang pagkakaroon ng incentive award para sa mga lungsod at munisipalidad na magpapamalas ng huwarang pagganap sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kani-kanilang mga lugar. Bubuo rin ng technical working group (TWG) para maplantsa ang mga detalye ukol sa naturang pagkilala. (Pampanga PIO)