Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Proyektong ‘Fiber to Home, inilunsad sa Dinalupihan – The Voice Newsweekly

Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang proyektong “1Bataan Fiber to Home” sa Pagalanggang National High School sa bayan ng Dinalupihan.

Katuwang ang pribadong kumpanyang Converge ICT Solutions sa inisyatibong ito, kung saan may kabuuang 55 mag-aaral ng Senior High School ang inisyal na nabigyan ng libreng internet connection sa kani-kanilang mga bahay.

May kabuuang 55 mag-aaral ng Senior High School sa Dinalupihan ang inisyal na tumanggap ng libreng Fiber to Home internet connection (1Bataan) 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Governor Jose Enrique Garcia III na layunin nito na mabigyan ng libreng access sa Learning Management System at iba pang mga website na aprubado ng Department of Education ang mga mag-aaral. 

Sa paglulunsad aniya ng proyekto ay unti-unti nang mabibigyan ng internet connection ang bawat tahanan ng mga mag-aaral sa lalawigan upang lalong makatulong sa kanilang pag-aaral. 

Samantala, binigyang diin ni Converge Chief Executive Officer Dennis Anthony Uy ang kahalagahan ng information technology sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon para sa mga kabataan sa panahon ng “digital age”. Nagpahayag din siya ng buong suporta sa Kapitolyo sa mga programa nito sa teknolohiya. 

Nasa 500 mag-aaral sa Dinalupihan ang inaasahang mabibigyan ng libreng Fiber to Home Connection.

Humigit kumulang 100,000 mag-aaral at 6,000 guro naman sa buong lalawigan ang magiging benepisyaryo nito. (PIA 3)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *