Naupo na si PCol. Manuel Lukban bilang Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office.

Kanyang pinalitan si PCol. Lawrence Cajipe, Jr. na siya naman ngayong Regional Directorate Chief of Staff ng Police Regional Office 3 sa Kampo Olivas.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lukban na ipagpapatuloy niya ang mahigpit na pagpapatupad ng maigitng na kampanya sa illegal na droga, terorismo at lahat ng uri ng kriminalidad upang maseguro ang kaayusan at kapayapaan sa buong lalawigan.
Pagiibayuhin niya ang implementasyon ng Intensified Cleaning Policy cleanliness in rank upang magkaroon ng higit na pagtitiwala ang mga Bulakenyo sa kapulisan at magkaroon ng mga de-kalidad na police officers.
Pag-iibayuhin pa ang partnership sa pagitan ng pulis at komunidad partikular sa mga advocacy supports group at force multipliers upang maging kaagapay sa pagpapanatili ng kaayusan.
At sa pagtatapos, binigyan diin nito ang Kalinisan sa Komunidad na ang ibig sabihin ay maging malinis tayo sa kriminalidad, malinis sa insurgency, sa korupsyon, malinis sa droga at may maayos na pag-respond sa COVID-19.
Si Lukban ay kabilang sa agapamayapa Class 1990 ng Philippine National Police Academy. (PIA 3)
PHOTO CAPTION:











