Pinangunahan ni 2nd District Board Member Fritzie David-Dizon at dating Porac Vice Mayor Dexter David ang distribusyon ng relief packs sa 602 pamilya sa bayan ng Porac.
Ang mga naturang benepisyaryo ay kabilang sa Special Assistance for Underprivileged People of Porac (SAUP) Project na sinimulan ng namayapang dating alkalde ng bayan na si Mayor Roy David, ngayo’y ipinagpapatuloy ng kanyang mga anak na sina Board Member Dizon at dating Vice Mayor David.
Sa tulong ng pamahalaang panlalawigan, nasa 143 pamilya ang nabigyan ng tig-lilimang kilo ng bigas, 4 na de lata ng corned beef at 4 na de lata ng sardinas sa Brgy. Babo Sacan; 214 pamilya naman sa Brgy. Sepung Bulaun; at 245 pamilya sa Brgy. Cangatba.
Taun-taon ay nagsasagawa ng relief distribution ang pamilya David sa mismong araw ng kapanganakan ng kanilang namayapang ama. (Pampanga PIO)