Nagpaalala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko laban sa mga indibidwal at grupong nanghihikayat ng pamumuhunan nang walang kaukulang lisensya mula sa Komisyon.
Binigyang-diin ng Komisyon na ang mga naturang indibidwal at grupo ay hindi rehistrado at walang secondary license mula sa SEC upang mangalap ng investment mula sa publiko.
Hinimok ng SEC ang publiko na maging mapagmatyag at iulat ang mga kahalintulad na ilegal na gawain sa kanilang Enforcement and Investor Protection Department (EIPD) sa pamamagitan ng imessage.sec.gov.ph, o makipag-ugnayan sa Tarlac Extension Office sa numerong 0931-791-4841 at email na secteo@sec.gov.ph.
Pinapayuhan din ang publiko na tiyaking beripikado ang isang kumpanya kung ito ay rehistrado at may kaukulang lisensya sa pamamagitan ng checkwithsec.sec.gov.ph o sa pag-download ng SEC Check App sa Apple App Store at Google Play Store.












