Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

SEPS Online ng Bulacan, Best in LGU Empowerment Award sa DGA 2021

Naiuwi ng Socio Economic Profile System o SEPS Online ng Bulacan ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) sa ginanap na birtwal na Digital Governance Award o DGA 2021.

Tinanggap ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia Constantino (dulong kanan) ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa Socio Economic Profile System mula kina National ICT Confederation of the Philippines President Michael Tiu Lim (pangalawa mula itaas) at Department of the Interior and Local Government Director Anna Liza F. Banagua sa ginanap na Digital Governance Awards 2021 kamakailan. (Bulacan PPAO)

Ayon kay Provincial Administrator Antonia Constantino naging magkatuwang ang Provincial Information and Technology Office at Provincial Planning and Development Office upang maisulong ang mabilis na transaksyon sa pamahalaan panlalawigan at episyenteng pagbibigay serbisyo sa mga Bulakenyo.

Ani Constantino, ang digital tools at social media ay nagpalakas sa kakayahan ng mga tao upang makakuha ng impormasyon kaya naman ang pamahalaan panlalawigan ay gumagamit ng makabagong teknolohiya upang maging transparent, accountable at inclusive.

Magsisilbi anyang inspirasyon ang nakamit nilang parangal para sa patuloy na paglulunsad ng mga solusyon kabilang ang pagbibigay ng mas mabuting serbisyo lalo na sa mga panahon ng pagsubok, at upang maging inklusibo sa lipunan at sa ekonomiya para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

Ginawang posible ng SEPS Online para sa parehong pampubliko at pribadong mga institusyon, mananaliksik, mag-aaral, at sa publiko na ma-access ang Socio-Economic Profile ng mga lokalidad ng real time at agaran matapos lamang ang pagsasara ng taon ng SEP sa sistema, kumpara sa luma at kumbensyunal na pamamaraan na karaniwang inaabot ng isang buong taon bago maisapubliko.

Ang DGA ang taunang pagpaparangal sa mga pinakamahusay na kasanayan ng mga lokal na pamahalaan sa paggamit ng information and communications technology upang epektibo at episyenteng maiparating ang serbisyo-publiko sa mga mamamayan at mangangalakal. (PIA 3)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *