
National
Lungsod sa Tsina mamumuhan sa Bulacan
Pormal nang sinelyohan ang US$254.82 milyon o P15 bilyong halaga ng pamumuhunan ng lungsod ng Changsha sa lalawigan ng Bulacan. Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, nagsisimula nang makita at mapakinabangan ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng sisterhood agreement sa pagitan ng Bulacan at ng Hunan kung saan bahagi ang Changsha.