Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Tarlac City pasok sa Top 10 na pinakamalaking revenue sa Region 3


Nakamit ng Tarlac City ang pang-limang pwesto sa mga cities sa Region 3 na may malaking revenue o kita sa nagdaang taong 2020. Tinatayang nasa P2.064 Billion ito sa pagtatapos ng taon o 15% na itinaas kumpara sa taong 2019.

Tagumpay ito para sa mga mamamayan ng siyudad dahil sa mahusay na pamumuno ni Mayor Cristy Angeles na nagdulot ng malaking pagbabago sa pamunuan at sa pamamahala ng pinansya ng Tarlac City Government kahit na sa panahon ngayon ng pandemya at hirap ng COVID-19.

Umupo bilang kauna-unahang babaeng Alkalde si Mayor Cristy noong 2016 kung saan dinatnan ang P103 million na negative cash flow. Minana rin ang utang na iniwan ng nakaraang administrasyon na nagkakahalagang higit P550 million.

Ngunit dahil sa pagsisikap at prudent spending ng kaban ng bayan, naibangon ni Mayor Cristy ang nalugmok na financial condition ng Tarlac City. Sa kaunting buwan pa lamang mula nang manungkulan ay nagawang maging positive na ang cash flow sa pagtatapos ng taong 2016. Nagtuloy-tuloy ang pagkamit ng revenue sa kabila ng taunang pagbabayad ng minanang utang ng Pamahalaang Lungsod na higit P100 million kada taon.

Isa sa mga tagumpay rin ng Tarlac City ang pagkakabawi ng mga Puregold Tarlac City kung saan P810,000 kada buwan na ang upang direktang binabayad nito sa Tarlac City Government. Dati lamang na P70,000 kada buwan ang upang binabayad nito dahil sa maanomalyang kontrata ni Miss Ellen Ladaran at ng nakaraang administrasyon.

Nabawi na rin ang Uniwide Sales property na ngayon ay gagawing mixed-use commercial hub na inaasahang manghihikayat ng mga investors at lilikha ng maraming trabaho. May ilan pang mga revenue-generating na mga negosyo ang kasalukuyan at pinaplanong itayo dito sa syudad dahil na rin sa maganda at tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan ni Mayor Cristy at sa tiwala ng mga namumuhunan tulad ng Ayala Corporation, Solar Philippines at Petrosolar, Inc., Leong Hup International Berhad at iba pa. Inaasahan din ang pagbawi ng mga lupa at property na karagdagang assets ng Tarlac City na maaaring pagtayuan ng infrastructure gayon din ang mga properties na donasyon ng mga pribadong mga indibidwal at grupo.

“Naging posible ang lahat ng ito dahil sa pakikipagtulungan ng mga kababayan natin, mga Department Heads at kawani ng Tarlac City Government at suporta ng iba-ibang sektor dito sa ating syudad. Malaki po ang aking pasasalamat sa inyong kooperasyon at tiwala upang makayanan ang lahat ng hamon na ating dinatnan at maaari pang maranasan. Noon pa man ay napatunayan na natin na walang imposible basta nagtutulungan,” ayon kay Mayor Cristy. (Tarlac City Information Office)

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *