Ilang araw na lang, ayon kay VP Leni Robredo, ay “malapit nang makita ang pinapangarap na pagbabago.”
Muling ipinaalala ni VP Leni sa lahat kung ano ang nakataya sa laban na ito, hindi lang para palitan ang bulok at hindi patas na pulitika, ng isang gobyerno ng tapat at mapagkakatiwalaan, kundi para maiangat din ang antas ng buhay ng bawat Pamilyang Pilipino lalo na ang mga nasa laylayan, na halos mawalan ng pag-asa sa kasagsagan ng epidemya.
Dagdag ni VP Leni, ang Angat Buhay Pilipino ay isang malawak na plano para sa economic recovery plan. Hindi lang ito pangakong ibababa ang presyo ng bigas, kuryente o gasolina, dahil may mga solusyon sa mga nakaugat na problema.
Naniniwala si VP Leni Robredo na ang taong bayan ang sentro sa pagbawi ng ekonomiya. Unang priyoridad ang kakulangan ng sapat na kabuhayan. Kung mawalan ng trabaho, may 3 buwang ayuda at kung hindi pa rin makahanap ng kapalit, nanindigan si VP Leni na gobyerno mismo ang magbibigay ng trabahoo.
Hindi hadlang ang edad o kasarian para makapag-hanapbuhay. Maaari ding magtraining para sa dagdag na kaalaman at kakayahan.
Sisiguraduhin din ni VP Leni Robredo ang kalusugan ng bawat Pilipino. Aayusin ang Philhealth. Tatanggalin ang katiwalian at kawalan ng kakayahan, para makapag-silbi ng maayos.
Para kay VP Leni, dapat bawat pamilya ay may access sa libreng doktor; pagandahin pa lalo ang 4ps at isasama sa conditional cash transfer ang mga nanay at kanilang sanggol sa unang 1,000 days para tiyak ang kalusugan ng mag-ina.
Kasama rin sa mga plano ni VP Leni na palawakin ang school feeding program, sa public primary at secondary schools para hindi nagugutom ang mga bata. Sa tamang pag-gamit ng pondo ng gobyerno, matutulungan ang mga magsasaka at mangingisda para ibaba ang presyo ng pagkain. Susuriin ang sistema ng edukasyon at tututukan ang mga reporma.
Giit ni VP Leni, bago pa man magpandemya, meron nang education crisis, kaya ang unang kailangang gawin, dagdagan ang budget para matugunan ang kakulangan ng sektor. Titiyakin ang kalidad ng edukasyon ng ating mga anak.
Priyoridad ng Angat Buhay Pilipino, ang iba pang sektor tulad ng agrikultura, pangisdaan, tursimo, transportasyon, manufacturing at infrastructure.
Palalakasin ang private-public partnership at tatawid sa digital economy.
Pakiusap ngayon ni VP Leni, walang bibitiw, dahil kasama ang bawat Pilipino sa pagtatag ng isang gobyernong tapat sa May 9. At pag naiangat ang lahat lalo na ang mga nasa laylayan, gigising tayo sa kulay rosas na bukas.
Ang mga sumusunod ang schedule ng grand rallies at Miting De Avance:
May 6, 2022 (Friday)
7:30AM Sorsogon City
1:00PM Legazpi City
4:00PM Naga City
May 7, 2022 (Saturday)
5:00PM Ayala Avenue cor Makati Avenue, Makati City
Lahat ng kulay ay imbitado, dahil ang Gobyernong Tapat ay para sa lahat ng Pilipino! (VP Leni Media Bureau)