Waived ang remittance fee ng BDO Remit – ang remittance arm ng BDO Unibank – para sa mga cash donation na ipapadala ng mga overseas Filipinos (OFs) para sa nasalanta ni Bagyong Karding kamakailan.
Simula Septyembre 30 hanggang Nobyembre 30, 2022, makakapagpadala ng donasyong pangpinansyal ang mga OFs na walang babayarang remittance charge sa mga naapektuhan ng nasabing bagyo, sa pamamagitan ng mga sumusunod na foundation: BDO Foundation, Inc., ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc., GMA Kapuso Foundation, Inc., at Philippine Red Cross.

“Nakakalungkot na habang papalapit na ang Pasko, marami pa ring kalamidad ang tumatama sa ating bansa. Imbes na magsimula na tayong maghanda sa kapaskuhan, ang ilan sa atin ay nahihirapan dahil sa pinsalang dulot ng bagyo,” ayon kay BDO senior vice president and head of remittance Genie T. Gloria. “Sa tulong ng campaign na ito at sa kagandahang-loob ng mga kabayan natin abroad, umaasa kami na makakatulong ito na maibsan ang hirap na dinaranas ng mga biktima ni Karding kahit papaano.”
May subsidiary offices ang BDO Remit sa iba’t-ibang bansa na pwedeng tumanggap ng cash donation na ipapadaan sa mga nasabing foundation. Kabilang na dito ang BDO Remit offices sa Hong Kong, Macau, Japan, Daly City sa USA, Toronto sa Canada at London sa United Kingdom. Para sa kumpletong listahan ng addresses, bumisita sa www.bdo.com.ph, piliin ang Remittance Services at i-click ang BDO Remit international network.
Malaking pinsala ang dinulot ni Bagyong Karding sa ilang parte ng Luzon noong Septyembre 25-26, na kinasawi ng may sampung katao at halos dalawang bilyong pisong katumbas na danyos sa agrikultura.