Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

𝐌𝐠𝐚 𝐠𝐮𝐥𝐚𝐲 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐁𝐞𝐧𝐠𝐮𝐞𝐭 𝐢𝐛𝐢𝐧𝐞𝐧𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐀𝐃𝐈𝐖𝐀 𝐬𝐚 𝐁𝐮𝐥𝐚𝐜𝐚𝐧

Ibinenta ang mga gulay mula Mankayan, Benguet sa idinaos na KADIWA Retail Selling sa harap ng Bulacan Capitol Gymnasium.

Kabilang na riyan ang Baguio beans, Chinese cabbage, sayote, repolyo, broccoli, bell pepper, carrots, cauliflower, at pipino na naibenta sa abot-kayang presyo na P10 hanggang P70 kada kilo.

𝐼𝑏𝑖𝑛𝑒𝑛𝑡𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑔𝑢𝑙𝑎𝑦 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑀𝑎𝑛𝑘𝑎𝑦𝑎𝑛, 𝐵𝑒𝑛𝑔𝑢𝑒𝑡 𝑠𝑎 𝑖𝑑𝑖𝑛𝑎𝑜𝑠 𝑛𝑎 𝐾𝐴𝐷𝐼𝑊𝐴 𝑅𝑒𝑡𝑎𝑖𝑙 𝑆𝑒𝑙𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎 ℎ𝑎𝑟𝑎𝑝 𝑛𝑔 𝐵𝑢𝑙𝑎𝑐𝑎𝑛 𝐶𝑎𝑝𝑖𝑡𝑜𝑙 𝐺𝑦𝑚𝑛𝑎𝑠𝑖𝑢𝑚. (Bulacan PPAO)

Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, ang lalawigan ng Bulacan ay kaisa ng pamahalaang nasyonal sa pagpapatupad ng mga istratehiya na tutulong sa pagkamit ng kaseguruhan sa pagkain, gayundin sa pagbibigay ng ayuda sa mga producer ng pagkain upang maipagpatuloy ang produksyon ng abot-kayang produkto.

Ang KADIWA Retail Selling ay naglalayon mabenepisyuhan ang mga mamimili sa Bulacan at suportahan ang mga magsasaka sa Cordillera na nakararanas ng patuloy ng paglobo ng inaaning gulay partikular na ang mga repolyo at Chinese cabbage sa mga pangunahing local trading posts sa Benguet at pagkaunti ng pagbili ng mga trader na nagdudulot ng mataas na bilang ng mga hindi nabibili at bagsak presyong mga gulay.

Ito ay pinangunahan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng Department of Agriculture Regional Field Office Cordillera.

Umabot sa 2,500 kilo ng sari-saring uri ng gulay na may kabuuang halaga na P40,000 ang naibenta sa loob lamang ng kalahating araw. (PIA 3)

Share this post:

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Posts