Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Aral Wonderland, pormal nang Binuksan sa Tarlac

PORMAL nang binuksan kahapon, Pebrero 17, sa Maria Cristina Park at Centro Organiko ang Aral Wonderland, isang inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac para sa mas malawak at masiglang pagkatuto ng mga kabataan.

Layunin ng Aral Wonderland na pasiglahin ang imahinasyon at malikhaing pag-iisip ng mga bata sa pamamagitan ng interaktibong kubol at aktibidad na nakatuon sa pagbabasa, sa ilalim ng temang “A Fun-Filled Reading-Themed Park for Every Learner.” Tampok ang iba’t ibang kubol na ipinakita ng bawat bayan at lungsod sa lalawigan, na naglalayong gawing mas kawili-wili at kapana-panabik ang karanasan sa pagkatuto.

Ang programa ay isasagawa hanggang Pebrero 20 at itinatampok bilang bahagi ng adhikain ng pamahalaang panlalawigan, sa ilalim ng pamumuno ni Governor Christian Yap at katuwang si Vice Governor Lita Aquino, na palakasin ang sektor ng edukasyon at suportahan ang pag-unlad ng kaalaman ng mga kabataang Tarlaqueño.

Tarlac #TarlacProvince #ProvincialGovernmentofTarlac

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *