Ipinabatid ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na mas paiigtingin ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa ilalim ng Safer Cities Initiative ng DILG upang mapanatili ang kaayusan, disiplina, at kaligtasan sa komunidad.
๐๐๐ฐ๐๐ฅ ๐๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐ง๐จ๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ฌ๐๐๐
Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa kalsada at iba pang pampublikong lugar, kabilang ang paglalagay ng mesa at silya sa bangketa o lansangan para sa inuman, upang maiwasan ang abala at mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko.
๐๐๐ฐ๐๐ฅ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ฒ๐
Ipinatutupad din ang maayos at disenteng pananamit sa publiko. Hindi pinahihintulutan ang pagiging topless sa mga pampublikong lugar bilang bahagi ng pagpapanatili ng respeto at kaayusan.
๐๐ข๐๐๐จ๐ค๐ ๐๐ฎ๐ซ๐๐๐ฐ: ๐๐๐๐
Para sa kapayapaan ng komunidad, ipinatutupad ang videoke curfew simula alas-10 ng gabi, kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng videoke at malalakas na sound system sa labas ng tahanan upang maiwasan ang ingay na nakakaabala sa iba.
๐๐๐ฐ๐๐ฅ ๐ ๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ง๐จ๐ซ ๐๐-๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐ฉ๐๐ฌ ๐๐๐๐
Ipinagbabawal din ang paglabas ng mga menor de edad lampas alas-10 ng gabi kung walang kasamang magulang o nakatatanda.
Hinihikayat ang publiko na makiisa at sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang Angeles City para sa lahat.






