Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

BENTENG BIGAS PARA SA LUBAO

Sa pamamagitan ng KADIWA ng Pangulo, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, isinagawa ang pagbebenta ng bigas sa ₱20 kada kilo para sa 1,000 benepisyaryo nitong Martes, Pebrero 3, sa Lubao Municipal Hall.

Pinangunahan ang programa ni Department of Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., kasama sina Pampanga 2nd District Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo, Governor Lilia “Nanay” Pineda, Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, at Lubao Mayor Esmeralda Pineda.

Nakatuon ang programa sa mga kwalipikadong benepisyaryo tulad ng mga minimum wage earners, manggagawa, at iba pang sektor na labis apektado ng pagtaas ng presyo ng bilihin—isang malaking tulong at ginhawa para sa mga Kabalen.

Kasabay nito, pormal ding nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga at ng Food Terminal Incorporated (FTI). Nilinaw dito na wala nang subsidiya mula sa LGU. Sa ilalim ng kasunduan, ang bigas na nagkakahalaga ng ₱33 ay direktang maibebenta sa ₱20 kada kilo sa mga kabalen sa pamamagitan ng pambansang programa—isang hakbang na inaasahang magpapatuloy ng abot-kayang bigas para sa lahat.

Dumalo rin upang magbigay-suporta sina Florabel Yatco, 2nd District Board Members, pati na ang mga kawani mula sa DA, NFA, FTI, at mga department heads mula sa Kapitolyo.

📸Pampanga PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *