𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐆𝐮𝐢𝐧𝐭𝐮, 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀-𝐆𝐏𝐒𝐀𝐓, 𝐭𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐬𝐚𝐧𝐭𝐨𝐥

Nagkaroon ng maikling pagpupulong si Mayor Danilo Guintu kasama si TESDA-GPSAT School Administrator II Dr. Alvin G. Sagum upang talakayin ang matagumpay na pagbabalik ng mga TESDA courses sa bayan ng Masantol.

Sa pagpupulong, tinalakay ang mga plano ng LGU Masantol at ni Mayor Guintu para sa pagpapalawak ng mga kursong iniaalok, pati na rin ang posibleng pagtatayo ng isa pang permanenteng TESDA training site sa bayan.

Ayon sa mga opisyal, ang hakbang na ito ay naglalayong magbigay ng mas maraming oportunidad sa kaalaman at kabuhayan para sa bawat Masantoleño.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *