by: π©π΄ π΄ππππ π·ππππ
π-πͺπππππππ
Bagamat sa Hulyo pa pormal na magtatapos ang School Year 2022-2023, maagang inanunsiyo ng Department of Education o DepEd na ang mga paaralan, pampubliko man at pribado ay maari ng magsagawa ng End-of-School-Year (EOSY) Rites mula July 10-14, 2023.
Sa nabanggit na petsa, sinabi ng DepEd, na ang βmoving up at graduation ceremoniesβ ay maaring isagawa ng βface -to-faceβ hindi katulad ng mga nakaraang seremonya na isinagawa sa βvirtual.β
Nanawagan ako sa DEPED (Department of Education) na dapat tignan o bisitahing muli ang patakarang-pangedukasyon partikular sa mga lalawigan.
Ang mga pampublikong paaralan sa mga probinsya ay nangangailangan ng karagdagang pondo mula sa National Government para tustusan ang pagpapagawa ng mga bagong classrooms para sa dumaraming bilang ng mga estudyante na nag-e-enroll sa publikong edukasyon lalo na sa Pampanga.
Sa lalawigan na lamang ng Pampanga, kapansin-pansin ang tinatawag na βmismatchβ sa pagitan ng elementarya at senior high school.β
“Kawawa naman po ang ating mga estudyante na nagnanais na makatapos ng high school nang sa ganun ay makapag-aral sila sa kolehiyo. Mahalagang matugunan ng pamahalaan ang karagdagang infrastructures para sa high school.
Kung hindi madaragdagan ang silid paaralan para sa High School sa Pampanga maraming mga mag-aaral ang maaring hindi maka-enrol para sa secondary education.
Sa datos na aking nakuha, may 441 mga elementary/ primary school para sa Grade 1 hangang Grade 6, meron lamang 123 mga high/secondary school para sa mga Grade 7-12.
Napakalaki ng gap sa pagitan ng mga paaralang nag-o-offer ng elementary education at secondary or high school education. Halos dalawamput-walong porsyento ng kabuuang bilang ng eskwelahan ang ang mayroon lang senior highschool.
Patuloy akong makikipagugnayan sa DEPED para matugan ang kakulangan sa mga strategically located highschools para sa mga kabataang Cabalen.