𝐄𝐜𝐨𝐡𝐲𝐝𝐫𝐚𝐭𝐞 𝐚𝐭 𝐄𝐜𝐨𝐰𝐚𝐬𝐭𝐞 𝐃𝐮𝐦𝐩𝐬𝐭𝐞𝐫, 𝐢𝐧𝐢𝐥𝐮𝐧𝐬𝐚𝐝 𝐬𝐚 𝐏𝐨𝐫𝐚𝐜

Dinaluhan ni Acting Municipal Mayor Jen Capil ang ribbon-cutting ceremony para sa Green Campus: Ecohydrate at Ecowaste Dumpster Project sa Porac National High School ngayong araw, March 10.

Ang proyekto ay inisyatiba ng YES-O Organization bilang bahagi ng BNK 2025 TARA Proposal, kung saan tumanggap ang Porac LGU ng mga proposal mula sa iba’t ibang kabataan at youth organizations. Isa ito sa tatlong napiling proyekto na nabigyan ng pondo ng lokal na pamahalaan.

Layunin ng proyekto na itaguyod ang responsableng pangangalaga sa kalikasan at tamang pagtapon ng basura sa loob ng paaralan.

Ayon sa Porac LGU, mahalaga ang boses ng kabataan sa pamamahala ng bayan. “Patuloy nating ini-empower ang kabataan bilang katuwang sa mas maliwanag na kinabukasan para sa ating komunidad,” ani Capil.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *