𝐃𝐏𝐖𝐇, 𝐌𝟒𝐆𝐆 𝐧𝐚𝐠𝐭𝐮𝐭𝐮𝐥𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐬 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐟𝐫𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭𝐬 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐧𝐬𝐚

Nakipagpulong si Public Works Secretary Vince Dizon sa mga miyembro ng Mayors for Good Governance (M4GG) upang talakayin ang mga hakbang para mas mapabilis at mapahusay ang implementasyon ng mga proyektong pang-imprastruktura sa buong bansa.

Ang pagpupulong ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang koordinasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kasama ang iba’t ibang ahensya at local government units (LGUs), lalo na para matiyak na ang mga maliliit na munisipalidad ay nabibigyan ng matibay at sapat na imprastruktura.

Ibinahagi ni Secretary Dizon ang mga plano para sa catch-up plan sa school buildings, Oplan Kontra Baha, at iba pang priority infrastructure initiatives na layuning agarang maisakatuparan.

Dumalo sa pagpupulong ang 43 mayors mula sa Metro Manila at iba’t ibang lalawigan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *