𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐅𝐎𝟑, 𝐚𝐠𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐬𝐮𝐧𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐎𝐫𝐚𝐧𝐢, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧

Mabilis na nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development Field Office 3 sa 20 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Calero, Orani, Bataan.

Dahil sa insidente, tuluyang natupok ang mga tahanan ng mga biktima at pansamantala silang inilikas sa itinakdang evacuation center.

Bilang agarang tugon, namahagi ang DSWD Field Office 3, katuwang ang Social Welfare and Development (SWAD) Bataan, ng Family Food Packs (FFPs), Hygiene Kits, at Kitchen Kits upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya habang nagsisimula silang muling makabangon.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang karagdagang suporta at iba pang kinakailangang serbisyo para sa mga naapektuhan.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *