𝐃𝐒𝐖𝐃 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐆𝐚𝐭𝐜𝐡𝐚𝐥𝐢𝐚𝐧, 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐈𝐥𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐭𝐮𝐦𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐩𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐲𝐨𝐧𝐠 #𝐁𝐚𝐬𝐲𝐚𝐧𝐠𝐏𝐇

Nagtungo sa Iligan City si DSWD Secretary Rex Gatchalian ngayong Sabado, Pebrero 7, upang kumustahin ang kalagayan ng mga kababayan na labis na naapektuhan ng Bagyong #BasyangPH.

Nakipagpulong si Sec. Gatchalian kay Iligan City Mayor Fredrick Siao upang alamin ang mga pangangailangan ng mga residente, lalo na ng mga nasa evacuation centers. Layunin ng DSWD na maipadama sa mga apektadong pamilya na may pamahalaan silang masasandalan sa oras ng kagipitan.

Kasama rin sa pagpupulong sina Disaster Response Management Group (DRMG) Undersecretary Diana Rose Cajipe, Field Office Northern Mindanao Regional Director Glofelia Uayan, at mga kawani mula sa LGU Iligan City, Office of Civil Defense (OCD), Department of Health (DOH), at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *