Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

GULAYAN SA PAARALAN PROGRAM, PINALAKAS SA CANDABA

Pinalakas sa bayan ng Candaba ang implementasyon ng Gulayan sa Paaralan Program ng Department of Agriculture bilang bahagi ng pagsusulong ng wastong nutrisyon at kaalamang pang-agrikultura sa mga mag-aaral.

Nakilahok sa aktibidad si Vice Mayor Thelma C. Macapagal, sa suporta ni Mayor Rene E. Maglanque at ng Sangguniang Bayan ng Candaba, bilang patunay ng sama-samang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng kabataan.

Layunin ng programa na hubugin ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa paghahalaman, palakasin ang partisipasyon ng mga magulang at komunidad, at isulong ang masustansyang pamumuhay sa mga paaralan.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahang mas magiging handa at mas malusog ang mga kabataang Candabeño tungo sa isang produktibo at responsableng kinabukasan.

📸Ing Malugud/Facebook

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *