β€˜πˆ-𝐅𝐀𝐒𝐓 π“π‘π€π‚πŠ πˆππ† πŽππ‘π€, πŒπˆπ’π€π”π-𝐒𝐀𝐔𝐏 π“π€πŒπ”β€™

Nanawagan si Pampanga Governor Lilia β€œNanay” Pineda sa mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan na sulitin ang oras at paigtingin ang pagtutulungan upang mapabilis ang pagpapatupad ng mga proyekto at serbisyo ng gobyerno.

β€œGamitan taya ing oras tamu β€” itang 8 hours, o lampas pa β€” para i-fast track ing obra tamu, bang misaup-saup tamu,” pahayag ni Gov. Pineda sa kauna-unahang flag ceremony ng taon na ginanap sa Kapitolyo, kasama ang mga department head at kawani.

Binigyang-diin ng gobernador na bagama’t naging matagumpay ang mga programang naisakatuparan noong nakaraang taon, hindi rito nagtatapos ang serbisyo publiko. Aniya, mas pai-igtingin pa ang sipag at sama-samang pagkilos upang mas marami pang Kapampangan ang maabot at matulungan ng pamahalaang panlalawigan.

Nagpaabot din si Gov. Pineda ng taos-pusong pasasalamat sa dedikasyon ng bawat kawani, na aniya’y naging mahalagang susi upang maihatid ang wasto at episyenteng serbisyo ng Kapitolyo hanggang sa pinakamalalayong bahagi ng lalawigan.

πŸ“ΈPampanga PIO | Daniel Ombina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *