Pinapaalalahanan ng Tarlac City LGU, sa pangunguna ni Mayor Susan Yap, ang mga nakatatanda na huwag magpapaloko sa mga nagpapakilalang nag-aalok ng pagkuha o pag-aayos ng Senior Citizen ID.
LIBRE po ang pagkuha at pagpapalit ng Senior ID, at wala pong authorized personnel na umiikot para mangolekta o magsagawa ng processing sa bahay-bahay.
Para sa tamang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa OSCA at huwag basta maniwala sa mga sabi-sabi.










