Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang mga programang pinaglaanan ng pondo sa 2026 General Appropriations Act ay sinuri nang mabuti upang matiyak ang masinop, maingat, at responsableng paggamit ng pondo ng bayan.
Ayon sa Pangulo, layon ng masusing pagsusuri na matiyak na direktang mapakikinabangan ng mamamayan—lalo na ng mga higit na nangangailangan—ang bawat programang pinondohan, kasabay ng pagpapatibay ng pananagutan sa pamahalaan at mas pinaigting na laban kontra katiwalian.












