Matagumpay na isinagawa ang PGT Medical and Dental Mission sa Tarvet, San Rafael, bilang bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Panlalawigan na naglalayong mailapit ang serbisyong medikal at dental sa mga komunidad.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng agarang konsultasyon at serbisyong pangkalusugan sa mga residente, lalo na sa mga sektor na may limitadong access sa medical at dental care. Bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaang panlalawigan na pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng bawat Tarlaqueño.









Nagpaabot ng pasasalamat si Governor Christian Yap sa mga health workers, volunteers, at katuwang na ahensya na naging susi sa tagumpay ng aktibidad, at tiniyak na ipagpapatuloy ang mga programang pangkalusugan na may malasakit at serbisyong may puso para sa bayan.












