Ipinamalas ni Public Road Enforcer Regie Azada ng Angeles City Traffic Development Office (ACTDO) ang katapatan at malasakit sa kapwa matapos niyang maibalik ang nawawalang cellphone at driver’s license ng isang residente ng lungsod.



Habang nagsasagawa ng clearing operations malapit sa Angeles University Foundation, napansin ni Azada ang isang driver na naghahanap ng kanyang nawawalang gamit. Patuloy niyang sinubukang tawagan ang cellphone at nang may makipag-ugnayan makalipas ang ilang oras, agad niyang itinurn over ang mga gamit sa ACTDO office sa City Hall.
Lubos ang pasasalamat ng may-ari sa ipinakitang kabutihan ni Azada, lalo na sa panahong nangangailangan ng tulong ang kanilang pamilya.
Ang ginawa ni Azada ay patunay na ang simpleng katapatan at malasakit ay may malaking epekto sa komunidad—isang huwarang halimbawa ng ‘Tapat na Angeleño’.












