Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Unang PhilGAP Training ng 2026 isinagawa sa Tarlac

Isinagawa ang unang Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP) Training ng taon sa Gitnang Luzon mula Enero 15 hanggang 16 sa Barangay Macaguing, Sta. Ignacia, Tarlac, sa inisyatibo ng Department of Agriculture – Central Luzon Regulatory Division.

Layunin ng pagsasanay na ihanda ang Macaguing PMPC, isang samahan ng mga magsasaka ng palay, upang makamit ang PhilGAP Certification bilang grupo, alinsunod sa pamantayan ng ligtas, dekalidad, at sustenableng produksyon ng agrikultura.

Ang PhilGAP Training ay bahagi ng patuloy na programa ng Department of Agriculture na naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa pagsunod sa tamang pamamalakad sa pagsasaka, kasabay ng pagtataguyod ng food safety, environmental protection, at market competitiveness.

Patuloy ang DA sa pagbibigay ng suporta at pagsasanay sa mga magsasaka sa rehiyon bilang katuwang sa pagsulong ng sektor ng agrikultura sa ilalim ng adhikain ng Bagong Pilipinas.

BagongPilipinas #DAsaGitnangLuzonKatuwangSaPagsulong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *