Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

109 Kapampangan, nakakuha ng ₱2.48-M tulong mula sa Kapitolyo

Muling ipinakita ng Pampanga Provincial Government ang malasakit nito sa mga Kapampangan sa pamamagitan ng pamamahagi ng financial at burial assistance nitong Lunes.

Aabot sa 36 pasyente ang nakatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng ₱2.1 milyon upang suportahan ang kanilang gastusing medikal at iba pang pangangailangan. Samantala, 73 benepisyaryo ang tumanggap ng burial assistance na umabot sa ₱375,000, na makakatulong sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at mabawasan ang kanilang pinansyal na pasanin.

Patuloy ang Kapitolyo sa pamumuno nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda sa mga programang agad na tumutugon sa pangangailangan ng mga Kapampangan.

Para sa mga Kabalen na nais humingi ng tulong mula sa Kapitolyo, maaari nilang sundan ang mga itinalagang hakbang sa opisyal na tanggapan ng Pampanga Provincial Government.

📸 Pampanga PIO

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *