Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

5ID Troopers, nagsagawa ng road clearing sa Isabela matapos ang Bagyong Uwan

Agad na nagsagawa ng road clearing operations ang 5th Infantry (Star) Division sa pamamagitan ng 502nd Infantry (Liberator) Brigade at 95th Infantry (Salaknib) Battalion, katuwang ang PNP, BFP, at MDRRMO, sa iba’t ibang bahagi ng Lalawigan ng Isabela matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan.

Tumulong ang mga tropa sa pag-aalis ng mga natumbang puno at debris na humarang sa mga pangunahing daan upang maging passable muli ang mga kalsada at matulungan ang mga residenteng pansamantalang na-isolate dahil sa pagbaha at mga hadlang sa daan.

Ang mabilis na pagkilos ng Salaknib Troopers ay bahagi ng direktiba ng pamunuan ng 5th Infantry (Star) Division na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan sa panahon ng kalamidad. Patuloy din ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng mga pangunahing lansangan, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *